<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=722290778542757519&amp;blogName=%C3%98&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <body>

Mga Tambay ng Ortigas
Tuesday, February 27, 2007,3:35 PM

Ang mga sumusunod na larawan ay kinunan sa tapat ng Antel Global Building, Ortigas, Biyernes ng gabi (Pebrero 23, 2007), kung kailan kalahati lang ang buwan, mapusyaw ang ilaw sa paligid, humahagibis ang sasakyan, may mga batang pasaway sa nakapaskil na babala.

Sherwin

Eleyn


Jayson


Meng


Eileen


Carla


Rheanna


Beware: Mga Pasaway ng Ortigas



>>>
by antibiotyx >>>

Comedy of Errors
Monday, February 26, 2007,7:33 PM

I’m starting to like the company of my young, perky and witty officemates. I’m enjoying them as if I were transported back in highschool. Their sense of humor (or naiveté) is too hilarious it always gives me dyspepsia. Hehehe. Each of the so-called “GY Girls” has their own peculiar way of hitting jokes. They are “effortless” comedians.

(At a restaurant in Metrowalk)

Me: “Maanghang ba yang chicken na inorder n’yo? ‘Di kasi puwede sa akin ang spicy food dahil may gasgas ako sa tiyan.”

R: “Ano may almoranas ka?”

(At the office lobby)

Me: “Regular na sina Eleyn at Abi, may libreng pagkain na sila sa GIC.”

E: “Meron na silang food stub.”

(At the office, during our graveyard shift)

F: "Ako, hindi ko naman gustong yumaman, gusto ko lang magkapera."

J: "'Yung mga aktibista, hindi nga sila magkakapera puwera na lang kung mainvite silang maging speaker."

To be continued…


>>>
by antibiotyx >>>

K's Choice - Not An Addict
Sunday, February 25, 2007,5:38 PM

K's Choice is one of my favorite bands of all time. When this Belgian band decided to split ways in 2003, it almost broke my heart. Sarah Bettens is such a hottie (not in the traditional sense). I had a crush on her when I was in highschool. Her smoky, husky, infectious, almost orgasmic, voice matches her "wasted" yet enigmatic looks.

Shet! I so miss my lost K's Choice cassette tapes!



"Not An Addict"

Breathe it in and breathe it out
And pass it on, it's almost out
We're so creative, so much more
We're high above but on the floor

It's not a habit, it's cool, I feel alive
If you don't have it you're on the other side

The deeper you stick it in your vein
The deeper the thoughts, there's no more pain
I'm in heaven, I'm a god
I'm everywhere, I feel so hot

It's not a habit, it's cool, I feel alive
If you don't have it you're on the other side
I'm not an addict (maybe that's a lie)

It's over now, I'm cold, alone
I'm just a person on my own
Nothing means a thing to me
(Nothing means a thing to me)

It's not a habit, it's cool, I feel alive
If you don't have it you're on the other side
I'm not an addict (maybe that's a lie)

Free me, leave me
Watch me as I'm going down
Free me, see me
Look at me, I'm falling and I'm falling.

It is not a habit, it is cool I feel alive I feel...
It is not a habit, it is cool I feel alive

It's not a habit, it's cool, I feel alive
If you don't have it you're on the other side
I'm not an addict (maybe that's a lie)
I'm not an addict...


>>>
by antibiotyx >>>

Comeback Kid
Saturday, February 24, 2007,3:49 AM

After two weeks of dissappearance in my M.A. class (blame it on my conflicting work schedule), I made a “comeback” last Wednesday to comply with my report assignment. I came to the class “late” (as usual) wearing a bright red polo shirt and rugged maong pants. My professor oddly noticed the color of my outfit and asked why I was absent last Valentine’s day. I only grinned.

Four more weeks in UP and my agony and frustration will soon be over. Thank God.

I reported on Laura Mulvey’s essay “Visual Pleasure and Narrative Cinema” (1975). The article problematizes on how film is able to mobilize desires and create pleasures. Here the author makes use of Freud’s pyschoanalytic theory in presenting some interesting crticisms and discourses on the (male) gaze, spectacle, (paradox of) phallocentrism and castration anxiety. For Mulvey, cinema offers two possible pleasures –scopophilia (pleasure in looking) and scopophilia through narcissism. The former is achieved by taking other people as objects, subjecting them to a controlling gaze as a function of the sexual instincts, while the latter comes from the identification with the image seen as a function of the ego libido. Scopophilia, on a simple note, is the predominantly male gaze of Hollywood cinema which enjoys objectifying women into mere festihistic objects to be looked at.

Read the essay summary here.


>>>
by antibiotyx >>>

Red
Friday, February 23, 2007,3:17 AM

Bloodymelancholicpseudomusicgeek

While Listening to Goldfinger's 99 Red Balloons


Flash the message,
"Something's out there"
Floating in the summer sky
99 red balloons go by.



>>>
by antibiotyx >>>

Ang Mito ng Teknolohiya at Progreso sa Panahon ng Neo-kolonyalismo: Si Kidlat Tahimik at ang Paghahanap ng Identidad sa Banyagang Lupa
,1:22 AM

Kidlat Tahimik


Ang Mito ng Teknolohiya at Progreso sa Panahon ng Neo-kolonyalismo: Si Kidlat Tahimik at ang Paghahanap ng Identidad sa Banyagang Lupa
Isang Pagsusuri sa Pelikulang “Mababangong Bangungot” (1977)
ni Kidlat Tahimik (Eric de Guia)

Ganito ang siste ng pelikula. I-juxtapose ang magkasalungat na konsepto ng “American Dream” at ng titulong “Mababangong Bangungot.” Gumamit ng satire, komedya, at political and cultural commentary. Paghalu-haluin ang isyu at jargons – kapitalismo, orientalismo, cultural identification, alienation, at iba pa. Itampok ang isang Pinoy sa katauhan ni Kidlat Tahimik – isang jeepney driver mula sa Balian, Laguna na sabog (adik) sa rocketship at idolo si Werner von Braun. Pumunta patungong Paris, magbenta ng bubble gum, mag-asawa ng banyaga, lumipad sa kalawakan.

Ang resulta: isang malalim na analysis sa kasaysayan ng imperyalismo/neokolonyalismo at ang epekto nito sa identidad at kulturang Pilipino.

Samakatuwid, ang pelikula: astig na tibak; seriocomic na may pangil.

>>>

Konteksto: Neo-kolonyalismo
Kung ilalapat ang pelikula sa isang konteksto, malinaw na nasa neolokonyal na panahon ang naratibo o kuwento nito. Naganap ang pelikula noong dekada ’70, sa gitna ng pag-iral ng Batas Militar ng rehimeng Marcos— isang dekada ng ligalig at pasismo. Sa panahon ding ito, muling binuksan ni Marcos ang Pilipinas sa mga Amerikano, nagpatayo ng Base Militar, at malayang nakapag-military (at sexual) exercise ang mga ‘Kano sa ating teritoryo. Sa muling pagkakataon, isinangkalan ng gubyerno ang kapalaran ng mga Pilipino sa palad ni Uncle Sam. Sa mga rali, inaakusahan si Marcos bilang “tuta ng Kano,” dahil sa matinding ugnayan ng pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ngunit hindi itong masalimuot na bahagi ng ating kasaysayan ang inilarawan sa pelikula. Higit sa historikal na datos, tinalakay sa pelikula ang diskurso ng neokolonyalismo gamit ang mga “materyal” na batayan sa mga tila ordinaryong bagay, paraan, o ideya. At kapag sinabing neokolonyal, walang elemento ng puwersa, dahil institusyonal at ideyolohikal itong nakakubkob sa lipunan. Kaya’t makikita sa pelikula ang “kulturang popular” ng mga panahong iyon: pagkahumaling ideya ng space exploration, technological advancement, paglalaro ng tora-tora, pagkain ng ice drop, at iba pa.

Ang pananaw ng tao, ayon nga kay Marx at Engels, ay hinuhubog ng lipunan o “material conditions” na kanilang ginagalawan. Ang isang indibidwal ay bahagi lamang ng isang umiiral at makapangyarihang ideolohiya o sistemang panlipunan. Kung gayon, ang identidad, o kultura ng isang tao o lahi, ay produkto ng mga pagbabago ng panahon. Naging mahalaga ang paglalahad ng mga elementong ito upang mabigyang-mukha at karakter si Kidlat Tahimik bilang isang Pilipinong produkto ng mahabang panahon ng kolonyalismo at impluwensiya ng Kanlurang pananaw, konsepto, at kaugalian.

Bagaman nagwakas na ang pananakop ng mga ‘Kano, mahihinuha sa pelikula ang iba pang manipestasyon ng kanilang kultura, kapangyarihan, at impluwensiya. Nariyan ang pagkahumaling ni Kidlat Tahimik sa pakikinig ng “Voice of America;” ng pagiging miyembro ng fan club ni Werner Von Braun; ng kanyang pangarap na bisitahin ang Cape Canaveral, ang sentro ng American space program; at ng kanyang pagnanais na magkaroon ng electric light para sa tulay ng kanilang barrio.

Ngunit sa lahat ng ito, pinakamalinaw na halimbawa ang jeepney ni Kidlat Tahimik. Ang jeepney, na dinala at iniwan ng mga Amerikano matapos ang Ikawalang Digmaang Pandaigdig, ang ginamit ni Kidlat bilang sasakyan ng kanyang mga pangarap, pagtupad, at pagtuklas. Ang jeepney ang naiwang bakas ng digmaan. Sa pagdaan ng panahon, nagpanibagong-hubog ito at inangkin ng mga Pilipino bilang pangunahing pampublikong paraan ng transportasyon. Ganito rin ang prosesong pinagdaanan ni Kidlat Tahimik – siya ay nagpanibagong-hubog kasabay ng pagpapanibagong-buhog ng jeepney.

>>>

Kawalan ng Sarili
Mataas ang pangarap ni Kidlat Tahimik, napakatayog para sa isang hamak na jeepney driver sa isang rural na bayan ng Balian, Laguna, na baku-bako pa ang daan. “Libre naman ang mangarap,” aniya. Maaaring basahin ang katauhan ni Kidlat bilang representasyon ng mayorya ng mga Pilipino (ng kanyang panahon at hanggang sa kasalukuyan na umiiral sa isang lipunang Third World) na biktima ng namamayaning sistemang banyaga o Kanluranin – pulitikal man ‘yan, ekonomikal, o kultural. Ang Kanluran ang nasa pedestal, habang tayo – ang mga bastradong anak ng kolonyalismo –ay naiwang nakatanghod sa kanila.

Kung tutuusin, “kolonyal” o tila akumulasyon na lamang ng mga banyagang kultura at konsepto ang pananaw ni Kidlat Tahimik. Bukod sa kanyang pisikal na kaanyuan at pananalita, mahirap ng tukuyin kung alin ba sa kanyang mga gawi ang masasabing “tunay” na Pilipino. Sa pelikula, halimbawa, makikita ang juxtaposition o magkasamang pagtalakay ni Kidlat Tahimik ng Kanluraning konsepto ng progreso at ng ilang tradisyunal na kaisipang Pilipino tulad ng folk tales o alamat, at ilang balita ukol sa economic talks sa pagitan ng mga bansang First World at Third World. Nagsasanib ang katutubo sa banyaga, numinipis ang hati, lumalabo ng pagitan.

Isang problematisasyon: paano ba tutukuyin ang tunay na identidad ng Pilipino sa malawak na mapa ng kasaysayan at pagbabago, at hegemonya ng Kanluran? Paano maisasakatuparan ang cultural mapping? Paano ito magsisimula o magtatapos? Ang mga katanungang ito kaugnay sa identidad ay unti-unting nasagot nang maglakbay si Kidlat Tahimik patungong Europe, suot ang kanyang ipinagmamalaking Amerikana, dala ang kanyang jeepney.

Naging estratehiya ng pelikula ang paggamit ng “self-exotication” bilang porma ng (re)presentasyon upang timbangin kung ano/sino na nga ba ang Pilipino makalipas ang mahigit 500 taon ng kolonyalismo – isang paraan ng pananalamin o identification/mirroring. Sa isang seriocomic na lapit, tinalakay sa pelikula ang tila kawalan ng sarili o indibidwalidad ni Kidlat Tahimik bilang isang Pilipino at ng malabo/naghahalong linya (demarcation line) ng identidad ng pagiging Pilipino at banyaga.

Sa kanyang paglipad patungong Europa, binitbit din ni Kidlat Tahimik ang ganitong uri identidad – ang kawalan ng sarili. Nang tumuntong siya ng Paris, namangha si Kidlat Tahimik sa kanyang nasaksihan – state-of-the-art na airport, matatarik na gusali, high-tech na makinarya tulad ng automatic door at escalator, sasakyan, at iba pang modernong kagamitan. Isa siyang dayuhan/alien na pumaloob sa isang panibagong mundong malayo sa baryong kanyang kinagisnan. Sa puntong ito, matingkad ang “alienation” o “estrangement.”

>>>

Pagbasa(g) at Pagtuligsa
Bagaman malinaw ang biktimisasyon ni Kidlat Tahimik, matingkad din sa pelikula ang pagtuligsa ng bida, na nagsimula naman pagkatuto mula sa kanyang paglalakbay at karanasan.

Sa simula pa lamang ng pelikula, may mga alusyon na ng paghamon. Sa paulit-ulit na sambit niya ng katagang “Walang makapipigil sa aking pangarap...” habang hila-hila ang jeepney patawid ng tulay, nagsimula si Kidlat Tahimik na salungain at hamunin ang sistema. Ang inarugang sanggol (Pilipino) ng Amerika (Kanluran) ay nagsimula na ring tuklasin ang sarili at tumayo sa sarili nitong mga paa.

Naging buhay na saksi ang jeepney sa mga pangarap at pag-unlad ni Kidlat Tahimik. Habang unti-unting lumalaki ang maliit na jeepney, namumulat naman siya sa mga aral ng kasaysayan at lipunan. Sa pagdating niya sa kontinente ng Europa, (Kanluran), nagsimula niyang matuklasan ang reyalidad. Sa paglibot ni Kidlat Tahimik sa kalunsuran ng Paris habang nagtitinda ng bubble gum, ang pagkamangha niya sa kanyang paligid ay unti-unting nagbago’t naglaho.

Natuklasan ni Kidlat Tahimik na ang kanyang napakataas na pangarap na maging austronaut ay hindi ganoong kadaling maabot. Maraming puwersa, tao, at pagkakataon na pumipigil sa kanya para abutin ito – nariyan ang pagmamaliit at racial discrimination. Napagtanto ni Kidlat Tahimik na napakaliit niyang nilalang para sa napakalaki’t napakaunlad na lungsod ng Paris. Masalimout palang maglakbay at mamuhay sa “urban jungle” ng Europa.

Sa ganang ito, naging matingkad ang kritisismo ni Kidlat Tahimik sa industriyalisasyon at kapitalismo. Iniluwal ng kuwento and reyalidad na ang progreso o pag-unlad ay lagi’t laging may kapalit na halaga, at kaakibat ng bawat nagtataasang gusali ang samu’t saring kuwento ng kasawian. Sa pelikula, halimbawa, tuluyan nang nawalan ng trabaho ang matandang ginang na fruit vendor, dahil sa pagtatayo ng dambuhalang supermarket. Ito ang mga istorya ng kasawian na hindi popularisado, sa kanyang kinalakhang baryo, sapagkat doon, romantisado ang ideya ng pamumuhay sa isang Kanlurang bansa at namamayani ang essentialized na pormulang: buhay+progreso = ginhawa.

Ito ang mito ng modernidad/progreso – na ang materyal na self-fulfillment ay abot-kamay lamang ng masa o ordinaryo. Ngunit sa katotohanan, ito’y mga ilusyon lamang (tulad ng ilusyon ng pagiging malaya sa neokolonyal na panahon). Sa kanyang pagkumpara, matalim pala ang pangil ng kaunlaran, samantalang may kaginhawahan sa pagiging payak.

Sa huli, napagtanto ni Kidlat Tahimik na ang kanyang natupad na pangarap ay masasamang bangungot lamang.

Lumipad siya sa malawak na kalawakan, unti-unting naglaho – walang sarili, walang identidad, walang kasaysayan.



>>>
by antibiotyx >>>

Pump
Thursday, February 22, 2007,5:05 AM

I’ve been complaining about my ever-problematic/hyperacidic stomach for the past two or three months. But the past three days are taking its toll on me – excruciating stomachache, annoying flatulence, vomiting, heartburn, etc. Now I’m a dying skeleton.


Intaking a capsule of proton pump inhibitor to reduce gastric production every morning seems futile. I think I need a stronger (or more expensive) medicine to treat the problem, maybe Zantac. This is more than a case of hyperacidity. I will visit my doctor tomorrow and ask him about the medicine.


>>>
by antibiotyx >>>

Tableta / Baga
Wednesday, February 21, 2007,11:35 PM

tableta

durugin
isalin
sa kutsara
haluan
ng asukal: pampaalis pait
magsalin
ng tubig
sa baso

at inumin.

dinurog ko man
inasukalan
nag-iwan pa rin ng pait
ang tableta sa aking dila.

>>>

baga

ubos na
ang upos
ng sigarilyo mo
naabo na

kanina lamang
parang walang katapusan
ang usok
na ibinubuga mo sa bawat paghithit

mainit na mainit ang usok
na nakukulob sa buong kuwarto
napakainit

nakakapaso ang baga –
lila't pulang unti-unting naging mapusyaw
hanggang mawalan ng kulay
hanggang mawalan ng buhay
tulad ng pinipigil mong hininga
sa tuwing inilulutang ka ng alinlangan
tungkol sa dikotomiya sa pagitan ng apoy at usok
kung maaari bang iwaksi ang isa sa dalawa
kung maaari bang magkaapoy ng walang usok
kung maaari bang magkausok ng walang apoy

nakakapaso ang baga –
mula laman tagos sa buto.


>>>
by antibiotyx >>>

If Your Life Was a Movie, What Genre Would It Be?
Monday, February 19, 2007,9:16 PM

The Movie Of Your Life Is An Indie Flick

You do things your own way - and it's made for colorful times.
Your life hasn't turned out how anyone expected, thank goodness!

Your best movie matches: Clerks, Garden State, Napoleon Dynamite
If Your Life Was a Movie, What Genre Would It Be?


>>>
by antibiotyx >>>

Which Superhero Are You?
,8:48 PM

Your results:
You are Superman


























Superman
80%
Green Lantern
75%
Supergirl
55%
Hulk
55%
Robin
50%
Iron Man
50%
Wonder Woman
45%
Spider-Man
40%
Batman
40%
Catwoman
35%
The Flash
30%
You are mild-mannered, good,
strong and you love to help others.


Click here to take the Superhero Personality Quiz


>>>
by antibiotyx >>>

Bedimpled
,10:11 AM

Why do I have a dimple in my cheek?

I found this interesting post from Mad Science Network regarding the topic. According to the article, our parent's genetic makeup is the one to blame. “Cheek dimples are examples of a phenotype (or appearance) due to the expression of a dominant gene.”

But why do I only have one dimple unlike my sister who has two?

A post from yahoo explains that:

Dimples on each cheek are a relatively common occurrence for people with dimples. A "rarer" form is the single dimple, which occurs on one side of the face only. Dimples themselves are actually caused by having shorter muscles in certain areas of the face.




Wow. I’m rare!


>>>
by antibiotyx >>>

UP Not Fair Sale
Sunday, February 18, 2007,9:55 PM

UP Fair 2007: UP Not Fair Sale

Umatak kami kagabi sa UP Fair. Tulad ng inaasahan, hindi mahulugang karamyom ang Sunken Garden sa dami ng tao – mga estudyante, tibak, konyo, jologs, punkista, pati artista (nakita namin si Eula Valdez, ang seksi niya) at kung anu-ano pa. Nabuwiset lang kami nina Chromite at Fudge sa haba ng pilang abot na hanggang building ng Educ. Trenta minutos ata ang pinrusisyon namin bago makapasok sa loob. Tangina. Palibhasa, huling gabi na. Nagsilabasan na sa kani-kanilang mga lungga ang batalyon ng mga punkista sa singit-singit ng siyudad. Punkista ng Balara. May iba pang mga dumayo, nandiyan ang Hampas Lupa ng Antipolo.

Perstaym lang ni Meng na makapunta sa Fair. Sabi ko, humanda na siya dahil uso ang stampede at saksakan. Pero ‘wag siyang mag-alala dahil ipagtatanggol namin siya, may kasama ata kaming bouncer. Si Eileen naman, dalawang beses na raw nakaexperience ng Fair.

Sa kahabaan ng pila papasok, nakita ko si Maniel, isang kaibigan/dating kaklase sa Art Stud. “Oi, Sherwin! Sabi ko na nga ba makikita kita, eto dala ko na ang Greatest Hits CD ni Bjork,” sambulat niya. (Halos dalawang taon na atang nasa kanya ‘yong CD, buti’t naalala pa niya isauli. Kakatuwa. Namiss ko rin ang orig na kopya nito.).

Sa tagal ng pila, inabutan na kami ng gutom. Syet, ang gasgas ko sa tiyan! Nakapasok naman kami sa loob after a million years. Tinubuan na ata kami ng damo sa paa ni Fudge, pareho kasi kaming naka-tsinelas lang. ‘Pag pasok, pagkain agad ang hinanap namin. Sa Oody’s kami lumamon dahil may bakanteng upuan at mesa.

Saglit lang kami sa loob. Tatlong banda lang ang pinanood namin. Brownman Revival. Paramita. Stone Free. Lumayas na kami nang magyayang mag-cr ang mga girls. Sinamahan namin sila papuntang Kule, mabantot at mahaba kasi ang pila ng cr sa Vinzon’s. Si Meg at Mang Romy lang ang tao sa opisina.

“Meron ba tayo diyan?” ang pamosong tanong ni Mang Romy. Inabutan ko siya ng barya kahit hindi niya maalala ang pangalan ko.

‘Pag baba namin, nagpaalam na si Chromite na uuwi na siya sa Pegasus. Maaga kasi ang rehearsal ng kanilang play bukas. Bibiyahe pa siya papuntang LB.

Fast forward.

Napadpad kami sa Colasa’s sa Tomas Morato.*May naalala ako* Naki-hitch lang kami sa mga kaibigan ni Eileen. Buti nagkasya kaming “walo” sa sasakyan. *Marami kaming napag-usapan ni Meng sa biyahe* Umorder kami ng San Mig Light. Atay at puso ng manok ang pulutan ko. Natakot na naman si Meng sa akin. Pinangatawanan ko na ata talaga ang pagiging serial killer. Hindi pa nasiyahan, sa Mister Kabab kami dumiretso. Newly-renovated na ang restaurant. Iba na rin ang nakapaskil na banner sa labas. Nasight namin dun ang ilang miyembro ng EB Babes, batchmates ni Fudge sa Pisay, pati si Jules na kaibigan ni Eleyn.

Tumambay lang kami saglit sa Kabab, konting usap, kuwentuhan, samu't saring tema – relihiyon, kabuwisitan sa opisina, pag-ibig, pagiging “slow” ng mga tao, showbiz, atbp. As usual, ang hyperactive na si Meng ang nagdominate ng mesa. Walang hinto ang dila niya, walang puknat sa istorya, hindi nauubusan ng kuwento. Naghiwa-hiwalay na kami nina Eileen and company bandang alas-4.

Kami naman nina Fudge at Meng, sa cheeky apartment nina Eleyn dumiretso. Alas-5:30 ng umaga na ata ako nakatulog. Si Meng, daldal pa rin ng daldal. Wala pa siyang tama niyan, paano na lang kaya ‘pag bangag na siya? Paano nga kaya? *devilish*



>>>
by antibiotyx >>>

Sleep, Interrupted
Saturday, February 17, 2007,9:48 AM

I woke up at 7 a.m. today. I wasn't supposed to wake up that early, but the loud decibels from outside interrupted my good, deep sleep. Pakingshet! I went outside only to find out that there was a grand parade complete with decorated float, festive jingle, a marching band and students clad in traditional Filipino costumes. Weird.

My father later informed me that the Carmona Sorteo Festival 2007 kicks off today.

FYI, Sorteo started not as a festival but a simple lottery of Carmona’s communal lands to give economic opportunity to farmers during the Spanish colonial period. It was originally known as Subasta delas Tierras Communales del Pueblo de Carmona. The raffle is being held every three years. Sorteo was only transformed into a WOW Philippines-type of festival two years ago (?) by the Municipal Government and the Carmona Tourism Council.

My grandfather once won in this lottery. He opted for cash and sold his rights for a particular piece of farmlands to an interested lessor.

Well, I don’t care enough about the event. All I want, these past few days, is to have at least 8 hours of uninterrupted sleep. Haaaaayyyy….


>>>
by antibiotyx >>>

Psycho Killer
Friday, February 16, 2007,9:20 PM


Jayson as Niño Mulach. Me as My Alterego.
Sicillian >>> Ortigas >>> February 15, 2006


>>>
by antibiotyx >>>

Yinsu's B-Day
,8:38 AM

Yesterday was Yinsu’s birthday. At 29, she still looks young. Owe it to her good disposition in life and/or long-standing rapport with ERB.

Whenever I see Yinsu, one word comes into sight: “lightness.” She always exudes an aura of buoyancy and simplicity. She grins softly; moves gently. A dalagang Filipina, but not quite. I adore her for being like that.

Me and Yinsu

Thanks for the free dinner at Sicillian last night! Jayson and I are looking forward to your next birthday when you reach that magical age of 30. A grandiose celebration should match that historic day. (Pang-asar!)


>>>
by antibiotyx >>>

Serial Killer
Thursday, February 15, 2007,5:41 PM

Unang Eksena:
Nagpagpasyahan ng ilang magkakaopisina na magpunta ng Juliano’s, isang tawid lang mula sa Antel kagabi. Tama nga si Jayson, ideyal itong tambayan o inuman place para sa mga (nawawalang) peti-burgis tulad namin, lalo na kung pag-uusapan ang atmospera ng lugar – melodramatik ang ilaw, pati ang background music.

Nauna kaming pumuntang magkakasama nina Eleyn, Jayson, Eileen at Karen. Sumunod lang sina Ed at ang ibang lupon ng GY (graveyard) Girls – sina Rheanna, Carla at Mheng.

Unang problema:
Bawal ang alcohol sa sistema ko. Kasumpa-sumpang hyperacidity. Maraming bawal. Umorder na lang ako ng longsilog.

Ikalawang problema:
Hindi ko pa kilala ang mga tao. Magdadalawang linggo pa lang ako sa bago kong trabaho. Bagong mundo, bagong mukha.

Kaya –

Ako: Katahimikan.
Ako: Nakadalawang stick kahit bawal.

Sinita na naman ako sa tikom na tikom kong bibig. Bakit daw ba ang tahi-tahimik ko.

“Bakit wala kang date ngayong Valentine’s day?” tanong ni Karen.

“Uhmmmmm…wala eh,” sagot ko.

Isang malaking blangko.

Napatingin ako kay Eleyn. Basa ko na agad ang semyotiko niya–

“Kuwento!”

Sige na nga, naisip ko. Sabi ko sa kanila, galing ako sa isang yugto ng depresyon. Bakit daw? Pangit kasi ang pasok ng taon sa buhay ko. Sa mismong araw kasi ng pagkamatay ni Rizal, natapos ang halos apat na taong istorya namin ni D. Magulo at mahaba ang kuwento, buod lang ang nailahad ko. Sabi ko kay Eileen, malamang kilala niya ‘yun o may common friend/s sila. Pareho kasi silang gradweyt ng Uste, magka-college pa silang dalawa.

* * *

Ikalawang Eksena:
Bago matapos ang huntahan sa Juliano’s, minungkahi ni Eleyn na mag-share ang isa’t isa ng mga “first impression” sa mga tao. Kakatwa, pero totoo, ang ilan sa impresyon nila sa akin.

Ako raw ay:
Tahimik (with a capital T.)
Mabait.
Cute.
Antipatiko (‘yung tipong hindi ka lang kakausapin ‘pag ayaw niya).
Nakakatakot.
May tendency na maging “serial killer!”

Serial killer? Puwede siguro. Hehehe. Mahilig ako sa pelikulang thriller (lalo na yung may morbid na paraan ng pagpatay, i.e. Saw, Hostel, etc.), nag-eenjoy ako sa lasa ng maasim (sour) kitsch (basura). Peyborit ko ang dinuguan, lalo na yung maasim-asim.

Hindi ako takot sa dugo.
Boyscout akong laging handang masugatan.
Sado-masokista.


>>>
by antibiotyx >>>

10 Reasons to Celebrate Valentine's Day
Wednesday, February 14, 2007,2:33 PM


This is (relatively) the happiest Valentine's day of my life for a number of reasons.

1.) I am surprisingly happy, not violently.

2.) After being "lost in space" for more than a month, I am back with my same old brand new self – autonomous, firm, positive and ecstatic.

3.) I don't need to spend a single dime to celebrate this "cheesy" day and conform with the common rituals of going out, watching movies, exchanging gifts, looking for a romantic (or clandestine) place. That's a good thing. I am on a tight budget.

4.) My days of paranoia are finally over.

5.) I am no longer in a limbo.

6.) I feel special. I received amazing text messages this morning. (Appy vawentaym's deeeey!!!!)

7.) Valentine's day is "only" a 24-hour event. The earth will still rotate around its axis.

8.) I love you, my myself, my family, my friends. There's no better way to celebrate (or plainly observe) this day than spending it with special people who comprehend you more than anybody else.

9.) I am on a high.
10.) I am still breathing.

Happy Hearts Day to everyone!


>>>
by antibiotyx >>>

Redencion*
,10:23 AM

Mga Karakter:
Guillermo- tatay,
Cecilia- nanay,
Martin- kaibigan,
Anak na babae – anak nina Guillermo at Cecilia.

Naglalakad ng mabagal ang isang lalaki. Para siyang baliw, wala sa sarili. Mabagal na mabagal siyang maglakad, mabagal pa diyan…slow motion…parang pagong. Naglakad siya ng naglakad. Lalabas siya ng pinto. Pero muling papasok. Pinagpapawisan siya, pupunasan niya ang pawis niya, napapagod kasi siya, pero tuloy pa rin siya sa paglalakad. Hanggang sa makarating siya sa isang maliit na sementeryo. Dadalawin pala niya ang puntod ng kanyang pinakamamahal na anak. Luluhod siya sa puntod. Mag-aalay siya ng bulaklak. Makikita ang lungkot sa kanyang mga mata. Iiyak siya ng malakas, hahagulgol, hihiga sa sobrang pagod. Luluhod ulit. Tatayo. Pipikit ang mga mata. Itataas ang kanyang kamay. Tapos ibababa. Tutungo. Uupo. Tatayo. Uupo. Magbabalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyaring trahedya sa buhay niya at sa kanyang nawasak na pamilya.

Papasok si Cecilia at ang kanyang anak. Pasok! Sumasayaw sila ng “Bulaklak” habang pumapasok sa eksena.

Ito na ang pagbabalik-tanaw. Nasa gitna sina Guillermo, Cecilia, at ang kanilang anak na babae. Masayang namumuhay ang pamilya dela Cruz– si Guillermo: ang tatay (na nagbabasa ng diyaryo), si Cecilia (na nagwawalis habang nagbubunot): ang nanay, at ang kanilang anak na babae (na naglalaro ng piko, kahit mag-isa). Kahit mahirap lang sila, masaya naman sila. Ayan, nakangiti silang lahat, bungisngis, labas na labas ang ngipin.

Nang biglang magutom ang kanilang anak. “Mama, Papa, gutom na ko,” sabi ng anak. Kukuha ng tinapay si Guillermo. “O eto, pagtiyagan mo na muna ‘yan, hindi pa kasi sumusuweldo ang tatay mo.” Kakainin ng anak na babae ang tinapay. Mabubusog ito, kitang kita sa kanya ang kasiyahan. Busog na busog siya kahit isang monay lang naman ang kanyang kinain. Hahawakan niya ang tiyan niya sa sobrang kabusugan. Tatalon siya sa sobrang tuwa. Tatalon siya ng limang beses.

Tapos, darating ang isa pang karakter – si Martin. Kakatok ng limang beses si Martin, siya ang matalik na kaibigan ni Guillermo. Papasok siya ng bahay. Makikipagkamay si Martin kay Guillermo, tapos magmamano sa kanya ang anak na babae. Pauupuin ni Cecilia si Martin. Mangangamusta si Martin, sa kung ano ang nangyayari sa kanilang pamilya. Mag-uusap-usap sila ng kung anu-ano, kung anu-ano lang. Magtatawanan sila. Tapos mag-iiyakan. Magtatawanan. Tapos mag-iiyakan. At magtatawanan. Mabagal ang buka ng bibig ni Martin. Si Guillermo naman, mabilis ang buka ng bibig. Si Cecilia, puro pa-pout ng lips ang inaatupag, nagpapapansin siya kay Martin. Nasa gilid naman ang anak nilang babae, abala pa rin sa paglalaro ng piko kahit mag-isa.

Biglang tatayo si Guillermo. “O, pano, uuna na ako, kelangan ko pa kasing magtrabaho,” sabi ni Guillermo. Kakaway siya sa pamilya. Kakaway siya, ala Sandara Park . “Mahal ko kayo!”

Pagkaalis ni Guillermo, lalapitan ni Martin si Cecilia. At may kung anong ibubulong sa tenga. Tatango si Cecilia. Doon nagkaintindihan na sila. “Eto na ang pagkakataon, puede na tayong umalis,” sabi ni Martin. Kukunin ni Cecilia ang bag na naglalaman ng kanyang mga damit. Hahawakan nila ang kamay ng isa’t isa at aalis palabas ng pinto. Ngunit biglang hihinto sa paglalaro ng piko ang anak na babae. Pipigilan nito ang kanyang nanay. “Huwag mo akong iwan, mama, huwag!” Hahawakan ng bata ang binti ng nanay niya, ngunit hindi ito magpapapigil. Makakaladkad ang bata. Pero makakaalis pa rin ang nanay niya.

Maya maya pa, bumalik na si Guillermo. Yayakapin ng bata ang tatay niya. Iiyak ito, na parang sanggol. Uha, uha, ang iyak niya. “Iniwan na tayo ni mama,” iyon ang atungal ng bata. Biglang pause sila. Magkayakap pa rin sila. Hihinto. Parang estatwa.

Fast forward na tayo. Lumipas ang maraming taon, si Guillermo na ang tumayong ama at ina sa kanyang anak. Siya ang naglalaba. Siya ang nagluluto. Ang nagwawalis. Ang naghuhugas ng plato. Ang namamalantsa habang nagbubunot. At iba pang gawaing bahay. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng ito, papasok na siya sa trabaho. Lalabas na siya ng kuwarto.

Maiiwang naglalaro ng piko ang kanyang anak na babae. Nang bigla itong madulas. Madudulas siya ng malakas. Dalawang beses siyang madudulas. Hahandusay siya. Mahihiga. Nabagok na pala ang kanyang ulo. Kakapain ng bata ang kanyang ulo. Titingnan siya ang kanyang kamay. “Dugo, dugo,” sigaw niya. “Takot ako sa dugo.” Maya maya pa, naghihingalo na siya, at mamamatay na siya nang nakadilat ang mata at lawit ang dila.

Darating si Guillermo. Magugulat siya sa kanyang madaratnan. Gulat na gulat. Parang nakakita siya ng multo. Yayakapin niya ang kanyang anak. “Diyos ko, Diyos ko, bakit nangyari ito?” iyak niya. Makikita ang kalungkutan sa mata ni Guillermo. At mula rito, alam na niya ang kanyang gagawin. Kailangan niyang maghiganti.

Tatayo si Guillermo. Naguguluhan siya. Guguluhin niya ang kanyang buhok. Para siyang mababaliw sa nangyari. Baliw na baliw. Sira ulo. Tapos, maglalakad-lakad na siya. Maglalakad-lakad. Tatakbo-takbo. Maglalakad-lakad. Tatakbo-takbo. Maglalakad-lakad. Mabagal na mabagal. Slow motion.

Nang biglang papasok sa eksena si Martin at Cecilia. Makakasalubong ni Guillermo si Martin kasama ang kanyang asawa. Duduruin niya ang kanyang kaibigan. Galit na galit si Guillermo. Dalawang kamay ang gagamitin niya. “Walang hiya ka, isa kang ahas, isa kang traydor,” sigaw ni Guillermo. Sa sobrang galit niya, sasakalin niya si Martin. Sasakalin niya si Martin. Hindi lalaban si Martin. Mapapahiga si Martin, pero sinasakal pa rin siya ni Guillermo. Magsisisigaw si Cecilia. Tatakbo siya palabas ng kuwarto.

Walang anu-ano, biglang lalabas ang multo ng anak ni Guillermo. Nakalugay ang buhok ng bata, at bahagyang nakalabas ang mata nito. (ala Sadako) Bigla nitong pipigilan ang tatay niya. Hahawakan ng bata ang kamay ng ama. “Papa, huwag mo siyang patayin,” hiling ng bata. Bibitawan ni Guillermo ang leeg ni Martin. Tatakbo si Martin, palabas ng kuwarto. Tatayo si Guillermo. Yayakapin ni Guillermo ang kanyang anak. Pause. Doon nagtatapos ang kanilang istorya.

*Mula sa arkibo ng aking email. Director's script para sa isang walang kuwentang presentasyon para sa Spanish 20 noong Marso 2005.


>>>
by antibiotyx >>>

Boycott Globe!
Tuesday, February 13, 2007,4:08 PM

On Feb. 5, Globe Telecom reported annual net income or profits of 11.8 billion pesos for 2006, up by 14 percent from 2005. Revenues grew by four percent to 57 billion pesos. Globe said this is mainly due to the 1.2 million new subscribers for 2006, bringing the number of Globe subscribers to 15.7 million who have access to its network of 5,884 cellsites covering 98 percent of the country.

On the same day, Globe snubbed and defied on order by the National Telecommunications Commission to “hold in abeyance” or to suspend the controversial and scandalous 100 to 150 percent price increase in its Unlimitxt Permanent Service, as demanded by outraged subscribers represented by TXTPower.

Today, we call on all Gentxters and consumers to make their power known to Globe and like-minded corporate scum who disrespect consumers and who defy the law.

Let us unite and protest Globe’s defiance of the NTC order and to protest its price hike concealed in a deviously-crafted "promo."

Let us come together to show Globe that they owe their profitable standing to their loyal subscribers who once thought they are respected and valued by the company.

STARTING FEBRUARY 8, THURSDAY, WE IN TXTPOWER URGE ALL GENTXTERS AND GLOBE SUBSCRIBERS TO BOYCOTT MAJOR SERVICES AND PRODUCTS OF GLOBE TELECOM.

We who brought Globe Telecom from the failing and ailing company in the early 1990’s to the giant it is now have the power. Together, let’s show Globe who they are fighting and insulting by:

1.Avoid SMS and Calls through the Globe network. Find other ways to communicate
2.Postpone automatic and card reloads
3.Postpone GCash transactions
4.Postpone line applications
5.Refrain from getting icon/music/visual downloads from Globe
6.Refrain from using Globe’s GPRS and 3G services

Yes, we must boycott and sacrifice now before Globe transforms all of us into a community of people with no self-respect and no sense of consumers rights. We must boycott Globe until it obeys the NTC order and restores the old Unlimitxt rates.

TXTPower
For more information, visit http://www.txtpower.org/


>>>
by antibiotyx >>>

First Post
,2:09 PM

It’s time to canonize myself in this simulacrum, hyperreal terrain called blog.

(Warning: my first blog entry would be self-privileging.)

Allow me to introduce myself to you, my dear readers. Let me begin this blog by defining my name and tracing its origin/etymology.

Sherwin:
1.) The name Sherwin is, according to a web article, one of the oldest family names to come from the Anglo-Saxon tribes of Britain . It originated from the baptismal name for the son of Sherwin.
2.) Sherwin literally means “quick as the wind.”
3.) According to my mother, she got my first name from a famous American paint company, Sherwin-Williams. Apparently, she got addicted to the smell of this paint, that’s why.

Altarez:
1.) Altarez (or altares) is an inflected form of the word altar, which is an elevated place or structure before which religious ceremonies may be enacted or upon which sacrifices may be offered.
2.) In the district of Angra do Heroismo in the Azores (somewhere in Portugal ), there is this parish named Altares.
3.) In Philippine context, Altarez is a variation of the famous surname, Alvarez.
4.) When I googled the word altarez, 1,380 entries appeared. Not-so-famous Hollywood actors such as Paolo Altarez and Naomi Altarez were on top of the list. I was surprised to find out that my late accountant grandfather, Emilio C. Altarez, was also an author. He co-authored the book titled “Financial Institutions” (1985) with Feliciano R. Fajardo and Manuel M. Manansala. (Wow!)

Mapanoo:
1.) The surname Mapanoo literally means map and forehead.
2.) As far as I know, the Mapanoo clan hails from Carmona, Cavite . We are highly prominent in the town. In fact, our town park/plaza was named after my great grandfather and former municipal mayor, Marciano Mapanoo.
3.) Other variations of Mapanoo include Mapanao, Mapano and Mapanod.

Apparently, my full name, Sherwin Altarez Mapanoo, is a hybrid of American, Spanish and Filipino influences.

Just like everybody else,
I am a pastiche of the past;
a hotchpotch,
farrago,
and jumble –
so postmodern.


>>>
by antibiotyx >>>





Antibiotyx
About Me
Tomorrow I was nothing. Yesterday I'll be.


now playing
K's Choice - Believe


LATEST POSTS
Banana Island
Malcapuya Beach
Maquinit Hot Spring
Coron Island Hopping Adventure (Part 1)
Pahayag ng mga Nagmamalasakit sa Sining Pilipino
Accustomed Othering
He's Barack Obama
Of Birth, Life and Death
Bat For Lashes
Tanghalan at Kaayusan

ARCHIVES
  • February 2007

  • March 2007

  • April 2007

  • May 2007

  • June 2007

  • July 2007

  • August 2007

  • September 2007

  • October 2007

  • November 2007

  • December 2007

  • January 2008

  • February 2008

  • March 2008

  • April 2008

  • May 2008

  • June 2008

  • July 2008

  • August 2008

  • September 2008

  • October 2008

  • November 2008

  • December 2008

  • January 2009

  • February 2009

  • March 2009

  • April 2009

  • May 2009

  • June 2009

  • July 2009

  • August 2009

  • October 2009

  • November 2009



  • PHOTOS


    Links
    agent k
    all herbal medicine
    ana morayta
    beng
    bjork volta music
    celebrity addresses
    clifford hackett
    daisy chained
    ice
    jayson
    jeeu
    jigzcorpuz
    kangel
    karl castro
    katmac
    kenneth guda
    lisa
    lukas lazaro
    maniel
    pet articles
    philippine art scene
    punk
    raquel liza
    reah
    roadtrippers on the go
    rory
    sarj
    suyin
    suyin360
    trivia 101
    vj rubio




    LEAVE A NOTE!


    TWITTER UPDATES
    follow me on Twitter



    CREDITS
    x x x x x