<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=722290778542757519&amp;blogName=%C3%98&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <body>

Salamin*
Monday, February 25, 2008,12:37 PM

Eksakto ako at pilak. Wala akong paunang hinuha
Anumang nakikita mo, kagaad kong tinatanggap
Ganoon lamang, walang bahid ng pag-ibig o pagkamunghi
Hindi ako malupit, makatotohanan lamang –
Ang mata ng munting diyos, apat na sulok
Madalas, nagmumuni-muni ako sa kabilang dulo ng pader.
Mapusyaw itong pula, may mga bahid. Matagal ko na itong natitigan
Pakiwari ko, bahagi ito ng aking puso. Ngunit dumadagitab.

Walang habas tayong pinagwawalay ng mga mukha at kadiliman
Ngayon, isa akong lawa. Na may nakalundong babae sa aking harapan
Hinahanap ng aking mga narating ang tunay niyang katauhan
Sumunod niyang nilingon ang mga sinungaling, ang mga kandila o ang buwan
Nakikita ko ang kanyang likuran, at makatotohanan itong nagsahubog
Ginawaran niya ako ng mga luha at ng taas-kamao
Mahalaga siya sa akin. Dumarating siya at lumilisan.
Tuwing umaga pinapalitan ng kanyang mukha ang kadiliman
Sa akin nilunod niya ang batang babae, at sa akin ang matandang babae
Pumapainlanlang papunta sa kanya bawat araw,
tulad ng isang makapangyarihang isda.

*salin-tula ng Mirror ni Sylvia Plath
*larawan: kuha ni Maysa, lokasyon: Museo de Ilocos


>>>
by antibiotyx >>>

Recap
Monday, February 18, 2008,10:49 PM

Ano bang naganap nitong mga nakaraang araw?

2/14/08
Sinusuwerte.

Matamis ang pasok ng Valentine’s Day ko. Dumating na ang pang-apat kong tseke mula kay Google. Ito na ang pinakamalaking adsense cheque na nakuha ko: tumataginting na 8k+. Kahit ako nagulat sa paglobo ng aking earnings mula sa mga wala kong kuwentang blogs na minsanan ko na lang iupdate. Iba pala talaga ang mahikang taglay ng search engine optimization. May pera sa basura.

Minamalas.

Buwakanangshet ang traffic sa SLEX. Kalbaryo ang daang tinahak ko papuntang Alabang nung gabi. Yung dating 15 minutes, inabot ng 2 hours. Sobrang late na akong nakarating sa Shang. Buti umabot pa ako sa LFS ng Jumper. May libreng popcorn dahil Hearts Day pero ‘di na namin kinuha. Naibigay ko na rin ang pasalubong kong agimat mula Bangkok. Sana nakakapag-teleport din ako tulad ni Hayden.

2/15/2008
Madaling araw pagkatapos ng Valentine, kinita ko si Joy sa Morato na may dilemma sa kanyang long distance relationship. Tumambay kami hanggang alas-4 ng umaga sa Starbucks at binusog ang sarili sa cinnamon roll na binudburan ko pa ang asukal. Dala niya ang kanyang laptop para magtrabaho. Ako naman isang kaha ng pamatay baga. Kuro-kuro. Sabi ko, resolbahin na lang ang isyung ‘yan pagdating niya ng New York. Kuro-kuro. Malabo talaga ang set-up na LDR, lalu pa sa kagaya niyang may kakaibang proseso ng pag-iisip. Kuro-kuro.

Sayang, hindi kami nag-holding hands dito.

Sa apartment sa QC na ako umuwi. Halos wala akong tulog dahil kelangan pang magtrabaho kinaumagahan. Sa UP ko na tinapos ang tasks at report ko dahil hihiram pa ako ng dalawang libro sa library – ‘yung Welcome to the Jungle ni Kobena Mercer at National/Transnational ni Rolando Tolentino – para sa susunod na klase kay Rivera.

Nung masend ko ang work report ko, nagpunta na ako ng SM North para ideposit ang tseke ko. Mission accomplished na naman. Kaching.

2/16/2008
Bago ako umatake sa UP Fair, nanood muna kami ng Spiderwick ni Hazel. Putangina mo Henry Sy, P201 na pala ang sine sa SM North. Ang mahal, dinaig pa ang Poweplant.

Diretso na ako ng UP pagkatapos. Usapan na namin talaga ni Maysa na magpunta sa huling gabi ng Fair. Kinita rin namin si Dyigs kasama ang friend niyang si JP. Pero hindi namin inaasahan ang abot-isang kilometrong pila papasok sa entrance. Umabot lang naman ang buntot ng pila sa entrance ng Main Library. Masakit man sa loob, ‘di na kami nakipagsapalaran sa pagpila at pinili na lang na tumuloy sa Likha Diwa para mag-dinner at mag-inuman sa Sarah’s pagkatapos. Sorpresang makita ko si Divine dun, na nag-iisa sa table habang hinihintay ang late na kaibigan. Sa wakas, gagraduate na pala siya ngayong taon at kasalukuyang tinatapos ang kanyang thesis. Mabuti kung ganun.

Pagkaubos ng isang bote ng Red Horse, nagkayayaan naman papuntang Penguin sa Malate. Tinawagan ko si Joseph na pupunta kami sa tambayan ng mga so-called artists. Nagpramis naman si gago na kikitain kami dun pagkatapos niyang magset-up ng stage at exhibit para sa kanilang performance bukas. Isa pa, malapit lang naman ang tinitirhan niya dun. Pero pinaghintay lang kami sa wala. Samakatuwid, inindiyan kami. Medyo nabuwiset lang naman ako. Pero okay lang, apat naman kaming nag-aksaya ng panahon sa paghihintay sa kanya.

Makasaysayan ang gabing ito dahil sa unang pagkakataon, tinawag si Maysa ni Manong (yung nagbebenta ng yosi) na “Sir!” Markado na sa kalendaryo niya ang araw na ‘to. Isunusumpa niya raw ang araw na ito. Pagkatapos naming magpakalat-kalat sa mga masalimuot na kalye ng Malate, nauwi kami sa Kozy na tambayan naman ng mga maiingay na Hapon. ‘Di na kami nagstay sa Penguin dahil mababaho na ang mga tao at kulob na kulob na. Tapos na rin ang performance ng Pinikpikan. Sa Kozy na namin tinuloy ang inuman at nagpaumaga.

2/17/2008
Pagod.
Tulog.
Kain.
Tulog.
Kain.
Tulog.
Tulog.
Tulog.

Isang napakaproduktibong Linggo.


>>>
by antibiotyx >>>

Dear Blog,
Wednesday, February 13, 2008,10:29 PM

My dear infant, what can I say? You’re one year old now. Happy birthday!

First and foremost, I would like to apologize if I’ve not been updating you religiously these past few weeks. I’ve been very busy with work and extra-curricular activities (note: being a nomad). Hope you understand that, sorry.

Anyways, I have something spectacular for you and I know you’re gonna love it. I’ve decided to give you a very special gift on your very first birthday but please give me a few more days to make up my mind. Blogskins.com is giving me a hard time looking for a template, most probably an animated one again, that would best embody your character.

Again, Image Hosted by ImageShack.us

Lots of love,
Daddy Antibiotyx
ox (whatever that emoticon means)


>>>
by antibiotyx >>>

Hot Air
Monday, February 11, 2008,11:16 PM

Siyam kaming umatake papuntang Clark kahapon para maekspiryens ang 12th Hot Air Balloon Fiesta. Biruin mo, matagumpay naming napagkasya ang aming mga sarili sa CRV, salamat kina Miss at Redi sa pamamaluktot sa likod. Maaga sa iskedyul nang dumating kami sa field, pero marami ng taong nakapila’t bumibili ng P100 ticket.

Si Jen at Ang Ticket

'Di na kami nagpatumpik-tumpik pa. Pumasok na agad kami sa loob para humanap ng teritoryo kung saan ilalatag ang higaan. Dahil wala pang tulog, umidlip muna kami ng konti. Tangina kasing Manny ‘yan, pinuyat kami.

Antok

Tulog Muna

(‘Nga pala, si Manny ang mala-asong ulol na puno ng ebak ng nagbabantay sa opisina ng daddy ni Eica. Inabot kami ng siyam-siyam bago nabuksan ang pinto dahil sinusunggaban ni Manny ang lumalapit sa kanya. Kelangan pa naming lansihin ang nakampuchang aso at pakainin ng potato chips.)

Bandang alas-siyete na ng umaga nang magsimulang iset-up ang 21 hot air balloons. Sobrang kapal na ng tao at may mga epal ng nakiagaw sa teritoryo namin. Ayun, piktyur, piktyur, pikyur. Sabi ko kay Meng, gusto ko ring sumakay sa higanteng lobo, 'di kasi ako kuntento sa simpleng pagtingala lang. Pero wala palang ganun. At wala rin akong bente mil na puwede aksayahin. Asa pa.

Mga Higanteng Lobo

Pugitang Lobo Sa Kalangitan

Dalawang oras siguro ang inabot bago nakalipad lahat ng hot air balloons papunta sa kung saan, hindi namin alam. Pagkatapos nun nainisipan na naming mag-almusal saka itayo ang tent. Kunwari magka-camping. Agaw-eksena. Tulong-tulong kami sa pag-aanalisa kung paano ba iseset-up ang tent, kung paano isasalpak ang skeleton sa fabric, kung paanong ekis ang gagawin, kung paanong tayo. Joke time. Kunwari magkakasya kaming siyam sa loob nun. Sa huli nagbunga naman ang aming paghihirap. Naitayo naman ang tent. Nagtongits saglit at dumiretso na kami ng tulog. Sarap ng tulog ko, kahit bitin.

Abala sa Pagtatayo ng Tent

Tong-Its Time

Kulitan

Sher-meng

Zzzzzz

Tirik na tirik na ang araw ng ginising ako. Ako ang huling bumangon. Mag-aalas-dose na pala at lunch time na. Nag-packup na kami at dumiretso sa SM Clark. Sa Pollo Rico kami kumain kung saan ako biniktima ni Goldie a.k.a. Sam Milbe. Ang krimen – nawala/ninakaw ang aking tsinelas – ang pinakamamahal kong habayanas na binili ko pa sa bangketa ng Bangkok.

Chibugan sa Pollo Rico

Nasan ang chinelas ko!!!!!!!!!?????
(ewan kooo!!!!)
Nasan ang chinelas ko???!!!!!!!!
tsinelas ko
tsinelas ko
tsinelas ko ( mandy moore putang ina!)
Nasan ang chinelas kooooooooooo?????

Nahanap ko naman ang nawawala kong tsinelas na tinago pala sa ilalim ng lamesa. Pagkatapos kumain, gumala muna kami sa mall at tumambay sa Dr. Pearl. Wala ni isa sa amin ang umorder ng Papaya Shake dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Ayaw naming magtae
2. Hindi kami mga madre at pari na peyborit dessert ang papaya
3. Ayaw naming mabawasan ang libido

Para sa mga ‘di nakakaalam, nakakaalis daw ng libog ang papaya kaya kumakain nito parati ang mga madre’t pari. Hindi ko alam kung may scientific basis ito o isa lang mito. Nung isang linggo ko lang pala ito nalaman nung nasa Baguio ako. Nabanggit lang sakin ni Maysa. Haha.

Habang nakatambay sa Dr. Pearl, iminungkahi ni Redi na magsimula ng isang game. Pasimuno talaga ng kalokohan. Ang siste, magbabanggit kami ng Hollywood films at iisipan namin ng artistang Pinoy na puwedeng gumanap sa local version ng pelikula na yun. Eto ang ilan sa resulta ng aming kagaguhan.

X-Men:
Professor X – Bembol Roco
Wolverine – Robin Padilla
Magneto - Pen Medina
Storm – Wilma Doesn’t
Beast – Bonel Balingit
Jubilee – Aiza Sequerra
Extra - Jimmy Santos

Titanic
Rose - Marian Rivera
Jack – Dennis Trillo
Extra - Jimmy Santos

Devil's Wear Prada
Mery Streep - Nora Aunor (hahaha!)
Extra - Jimmy Santos

Dream Girls
Beyonce - Nora Aunor (buwahahaha!)
Jennifer Hudson - Bituin Escalante
Dream Girl #3 - Anna Fegi
Extra - Jimmy Santos

Nakalimutan ko na ‘yung iba. Ipopost ko dito pag naalala ko. Itatanong ko pa kay Meng at Leluck. Laugh trip. Pilit naming hinanapan ng role sina Juday, Jolens at mga laos na That’s Entertainment casts – Lotlot, Rachelle Alejandro, Manilyn Reynes, Shirley Fuentes, at iba pa. Talents ni Redi sina Vhong Navarro at Joey de Leon. Si Eica naman ang panatikong manager ni Dingdong Dantes, kaya hindi makaporma si Dennis Trillo. Si Jimmy Santos na parating extra ang may pinakamaraming role na nakuha dahil inaapela siya ng kanyang pseudo-manager na si Leluck. Kinabagan ako sa katatawa dito. Napuno ang tiyan ko ng hot air. Nakakautot. Swak na analogy. Hot Air Balloon Fest = Ututan.

Marami rin pala kaming luma’t bagong bokabularyong natutunan tulad ng:

1.) sinibasib – nilamutak (Ex: Sa pelikulang Anak ng Kumander, sinibasib ni Manny Pacquaio ang labi ni Valie Concepcion. Kasuka-suka.)

2.) makagulapay – makagalaw (Ex: Hindi na makagulapay ang paa ni Redi dahil wala ng leg room sa likod. Wala ng makadaloy na dugo sa binti niya.)

3.) tagibang – tabingi (Ex: Tagibang kung mag-isip ni Tito Gold, parang adik.)

4.) chipaz – cheap, jologs (Chipaz si Manny Pacquiao, chipaz magsalita, chipaz manamit, chipaz umarte. Sabi pa ni Leluck, pinaka-chipaz na bayani.)

Umuwi na kami nang mapagod sa kakaisip ng pelikula at katatawa.

Amen.


Camping Kunwari

Lucky Nine


>>>
by antibiotyx >>>

农历新年
Thursday, February 7, 2008,10:18 PM

Kung Hei Fat Choi! Will 2008 be a lucky year for me? This is the result of my Chinese fortune calendar.

Sherwin's Birth Chart
HourDay [ You ]MonthYear
Male Wood Male Wood
Male Wood
Male Fire Male Fire
Male Fire
Male Water Male Water
Male Water
Female Water Female Water
Female Water
Horse Horse
Green Horse
Monkey Monkey
Red Monkey
Dog Dog
Black Dog
Pig Pig
Black Pig


You are Red Monkey, born in the year of Black Pig. The upper character in DAY column represents the person. So you are equivalent to Male Fire. The symbols in the upper row of birth chart are called Heavenly Stems. The animals in the lower row in are called Earthly Branches.

Yearly Cycle 2008 Male Earth Rat Male Earth Brown Rat Year

Male Earth is your Fame star. This is a period about your fame. Since you tend to explore much more than usual, you will be more judgmental toward people than before. Only good fame will bring you fortune. The events in this year are related to creativity, expression, art, skill, literature, hobbies, talking, food and entertainment. Rat is your Career star. Basically, this period has career and reputation mixed together. The career opportunity is there. If you can handle it, then you can gain better reputation and earn more money. If the pressure is too much for you, then you get nervous, worry, tired and feel weak. The events in this year are related to position, fame, development, credit, competition, society and law.

Health and career don’t look so good in this year. Your reputation is the first to be affected, and is followed by a possible upheaval of the people surrounding you. Because of the earlier an argument, accident or lawsuit could follow. However, you may have parents, elders or supporters to help see you through the hard times. There’s also the strong possibility of you getting severely ill. So, paying considerate attention towards your health and behavior can be a virtue. Money does not look to promising for this cycle.



>>>
by antibiotyx >>>

System of Objects
Tuesday, February 5, 2008,9:16 PM

French philosopher Jean Baudrillard is among my favorite post-structuralists. His works are pure genius and The System of Objects is no exception to that. This book interestingly combines semiotics with sociology, psychology, history, Kantian thoughts and critique of the political economy.


The System of Objects is Baudrillard’s attempt to create, as what the title suggests, a system of classifying everyday objects, be it traditional or modern, by analyzing the functions these objects play in our lives. For him, objects can be classified into four ways: functional, non-functional, metafunctional/ dysfunctional, or socio-ideological.

To be continued...


>>>
by antibiotyx >>>





Antibiotyx
About Me
Tomorrow I was nothing. Yesterday I'll be.


now playing
K's Choice - Believe


LATEST POSTS
Banana Island
Malcapuya Beach
Maquinit Hot Spring
Coron Island Hopping Adventure (Part 1)
Pahayag ng mga Nagmamalasakit sa Sining Pilipino
Accustomed Othering
He's Barack Obama
Of Birth, Life and Death
Bat For Lashes
Tanghalan at Kaayusan

ARCHIVES
  • February 2007

  • March 2007

  • April 2007

  • May 2007

  • June 2007

  • July 2007

  • August 2007

  • September 2007

  • October 2007

  • November 2007

  • December 2007

  • January 2008

  • February 2008

  • March 2008

  • April 2008

  • May 2008

  • June 2008

  • July 2008

  • August 2008

  • September 2008

  • October 2008

  • November 2008

  • December 2008

  • January 2009

  • February 2009

  • March 2009

  • April 2009

  • May 2009

  • June 2009

  • July 2009

  • August 2009

  • October 2009

  • November 2009



  • PHOTOS


    Links
    agent k
    all herbal medicine
    ana morayta
    beng
    bjork volta music
    celebrity addresses
    clifford hackett
    daisy chained
    ice
    jayson
    jeeu
    jigzcorpuz
    kangel
    karl castro
    katmac
    kenneth guda
    lisa
    lukas lazaro
    maniel
    pet articles
    philippine art scene
    punk
    raquel liza
    reah
    roadtrippers on the go
    rory
    sarj
    suyin
    suyin360
    trivia 101
    vj rubio




    LEAVE A NOTE!


    TWITTER UPDATES
    follow me on Twitter



    CREDITS
    x x x x x