<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=722290778542757519&amp;blogName=%C3%98&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <body>

Xin Chao!*
Sunday, November 30, 2008,12:26 PM

Okay, medyo late na ng konti ang blog na ito. Pero sige na nga, kelangan irecollect ang recent backpacking trip sa Vietnam. ‘Di tulad nung nakaraan, na two weeks, medyo bitin itong huling paglalagalag. Walang pagtawid ng border na naganap at hindi rin ako nakasakay ng public train. Pero mas masaya kasi, hindi na ako mag-isa. Dati kasi nakikisabay pa ako sa mga puting backpacker para makishare ng taxi or humanap ng hotel. Tatlong kaibigan ang nakasama ko. Ibig sabihin, mas okay, mas matipid.

Unang stop: Ho Chi Minh City
Kakaiba ang karisma ng Saigon. Dama mo kung gaanong kabilis ang oras. Tila lahat ng tao nagmamadali. Adbentyur ang pagtawid sa mga sanga-sangang kalye. Nung unang araw nga, para ka talagang nakikipagtawaran kay kamatayan. Pero nang malaon, nakuha ko rin yung estratehiya ng pagtawid. Dumiretso ka lang at wag fickle-minded dahil ang mga nagmomotorsiklo ang mag-aadjust at iiwas sayo.

Kumpara sa Pinas, mas mura ang cost of living sa Saigon. Mura ang pagkain at parating may libreng side dish na gulay. Sandamakmak ang sahog ng French bread sandwich na mabibili mo lang sa halagang 10,000 dong. Panalo rin ang omelet sa bangketa. Makakahanap ka rin ng mini-hotel sa halagang $8-12 dollars. At hindi basta-bastang room, may cable TV, aircon at libreng internet pa. Tatlong mini-hotel ang tinulugan namin sa abot-kayang halaga nung nasa Saigon kami – sa Lyly, Mimi at T.T Hotel. Matatagpuan lahat ‘yan sa Bui Vien St. Hindi kami nakipagsiksikan sa Pham Ngu Lao, yung backpacking district sa Saigon. ‘Di hamak na mas mura at mas magaganda ang puwedeng tulugan sa Bui Vien.

Magandang exercise ang paglilibot sa Central Saigon. Mas okay kung lalakarin mo ang singit-singit ng syudad kesa maghire ng motorbikers. Hindi naman ganoong magkakalayo sa isa’t isa ang mga sikat na architectural structures sa Saigon. Kung manggagaling ka ng Pham Ngu Lao o Bui Vien, ilang minuto lang ang lalakarin mo para marating ang pamosong Ben Than Market at hindi hindi na kalayuan mula diyan ang People’s Committee Hall, Post Office, Notre Dame Cathedral, Opera House at iba pa.

Hindi nalalayo ang estado ng mga Vietnamese sa mga Pinoy. Marami ring pulubi at tindera sa bangketa. May mga gago ring taxi driver at puwede kang tumawad at makipagbaratan sa palengke. Pero walang panama ang trapik sa EDSA sa kalye ng Saigon. Feeling ko nga, wala sigurong Vietnamese ang hindi marunong magbisikleta at magmotor. At kung hindi ka marunong magbalanse, isa kang malaking loser!

Makikita mo rin sa Saigon ang banggaan ng (post-)kolonyal at tradisyonal na Vietnam. May mga nagmomotorsiklo, halimbawa, na naka-salakot. Bakas pa ang naiwang impluwensya ng mga French, hindi lang sa pagkain at arkitektura, maging sa pangalan ng ilang kalye. Masakit sa ulong isipin na isa pang “socialist republic” ang Vietnam, dahil sa dami ng kontradiksyong makikita sa espasyo ng Saigon. Nang mapadpad nga kami sa Dong Khoi, pakiramdam namin nasa ibang dimensyon kami. Nandito lahat ng five-star hotels. May mahabang stretch din ng shops ng sikat na fashion brands tulad ng Versace, Esprit, Louis Vitton at iba pa. At tila off-limits ang area na ito sa mga Vietnamese, dahil bukod sa mga hotel employees, saleslady at salesman, puro puti ang parokyano ng espasyong ito. Kitang kita na ipinatayo lang ang lugar na ito para sa kapritso ng mga turistang puti. Hindi na ito nakapagtataka dahil turismo ang pangunahing industriya na bumubuhay sa Saigon. At dahil patok sa mga puti ang mga bagay na “exotic,” anumang kultural ay kailangan ding gawing kapital. Sa halagang 65,000 dong, mapapanood mo na ang pamosong Water Puppet Theater.

Kahit “milyonaryo” ako sa Vietnam, hindi ko naman naisip o naramdaman na mas superior ako sa mga Vietnamese. Tulad ng Pinas na “third world” country, pareho ring nakikipagtawaran ang Vietnam sa atas ng panahon at globalisasyon. Sa naharbat ko ngang libreng real estate magazine, eto ang headline: “Foreigners Permitted To Own Apartments.”

* Hello! sa salitang Vietnamese

Itutuloy…


>>>
by antibiotyx >>>

Freebies
Thursday, November 27, 2008,4:36 PM

Surpise, surpise!

Our mailbox is flooded with freebies which I ordered from the internet a couple of weeks ago during my spare time. Believe or not, I got everything for free!

Here are the free stuff that I received today (most of them from the US and UK):

Dry Run DVD from Musto Performance
Art Mokarow CD
The Fed Today CD courtesy of FederalReserveEducation.org
Calvert School Magazine
Personalized Wedding Stationary from WHSmith
Seton Newsletter and Catalog
BRACAnalysis Specimen and Transportation Kit from Myriad (delivered by FedEx, woah!)

More freebies will arrive soon for sure. Can’t wait to receive the promo CDs and complimentary books that I requested from Ayn Rand Foundation and other publishing companies. I’ll collect more, more and more! LOL.


>>>
by antibiotyx >>>





Antibiotyx
About Me
Tomorrow I was nothing. Yesterday I'll be.


now playing
K's Choice - Believe


LATEST POSTS
Banana Island
Malcapuya Beach
Maquinit Hot Spring
Coron Island Hopping Adventure (Part 1)
Pahayag ng mga Nagmamalasakit sa Sining Pilipino
Accustomed Othering
He's Barack Obama
Of Birth, Life and Death
Bat For Lashes
Tanghalan at Kaayusan

ARCHIVES
  • February 2007

  • March 2007

  • April 2007

  • May 2007

  • June 2007

  • July 2007

  • August 2007

  • September 2007

  • October 2007

  • November 2007

  • December 2007

  • January 2008

  • February 2008

  • March 2008

  • April 2008

  • May 2008

  • June 2008

  • July 2008

  • August 2008

  • September 2008

  • October 2008

  • November 2008

  • December 2008

  • January 2009

  • February 2009

  • March 2009

  • April 2009

  • May 2009

  • June 2009

  • July 2009

  • August 2009

  • October 2009

  • November 2009



  • PHOTOS


    Links
    agent k
    all herbal medicine
    ana morayta
    beng
    bjork volta music
    celebrity addresses
    clifford hackett
    daisy chained
    ice
    jayson
    jeeu
    jigzcorpuz
    kangel
    karl castro
    katmac
    kenneth guda
    lisa
    lukas lazaro
    maniel
    pet articles
    philippine art scene
    punk
    raquel liza
    reah
    roadtrippers on the go
    rory
    sarj
    suyin
    suyin360
    trivia 101
    vj rubio




    LEAVE A NOTE!


    TWITTER UPDATES
    follow me on Twitter



    CREDITS
    x x x x x