<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=722290778542757519&amp;blogName=%C3%98&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fantibiotyx.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <body>

Boredom...
Friday, January 16, 2009,3:23 PM

...is just the reverse side of fascination:
both depend on being outside
rather than inside a situation,
and one leads to the other.

– Susan Sontag

Sigh.


>>>
by antibiotyx >>>

Na Naman
Thursday, January 1, 2009,6:55 PM

Bagong taon na naman, ang sambulat na tanong, eh ano naman ngayon?

Paumanhin sa pesimistang tono. Tama na ang gasgas na konotasyon ng bagong taon bilang bagong pag-asa; bagong taon bilang bagong panimula; at bagong taon bilang iba pang bagong bagay. Dahil ang totoo, wala naman talagang nagbago kundi ang petsa at ang kalendaryong isasabit mo sa pader. Hindi dahil Year of the Ox ngayon, eh magiging Oks din ang buhay natin.

Ang bagong taon ay panahon lamang ng pagpapanibagong-hubog ng culture industry. Tuwing nagpapalit ang taon, nandyan ang mga bagong gadget, fashion trend at iba pang pauusuhin. Bagong dahilan ng pagkakagastusan, samakatuwid. At mawawala ba ang mga prediksyon, kesyo may mamamatay daw na artista, may maghihiwalay, may malagim na sakuna, at iba pa. Malamang sa malamang, magkakatotoo ang lahat ng yan.

Pero sige na nga, sasabihin ko na may maaari naman pagbabagong magaganap, pero sa personal o internal na lebel lang. Ibang diskurso kung lipunan sa kabuuan ang pag-uusapan dahil matinik pa rin si Gloria na umupo sa kanyang trono, hindi matinag ang reyna sa kabila ng mga iskandalo ng kurapsyon at karahasan. Tiyak na nakasusuya ang bagong taon dahil papalapit na ang eleksyon. Amuy na amoy pa rin ang nilulutong cha-cha at nakakasulasok na. Hala sige, masusunog din ang dapat masunog. Sa impiyerno.

Minsan lang akong gumawa ng New Year’s Resolution dahil, bukod sa nakakalimutan kong sundin, nagbabago naman ang pangangailangan ko depende sa panahon. May mga pangako sa sarili na hindi dapat mapako sa simpleng pagsunod lang. Tama na ang litanya, eto ang mga gusto kong gawin at tuparin sa taong 2009:

• Magpapawis para lumiit ang beer belly. Ang bakanteng oras ay dapat ilaan sa exercise, at huwag sa pagbabasa sa wikipedia, pagbabrowse ng Multiply at panonood ng pelikula sa watch-movies.net habang nakahiga or nakadapa. Tigilan na rin ang adiksyon sa panghaharbat ng freebies, kawawa si Manong kartero.

• Pagdesisyunan ang thesis topic. Sa susunod na semester ko na sisimulan ang research, pero wala pa rin akong matinong topic. Shet. Nawa’y mabasbasan ako ng ilaw ng enlightenment.

• Backpacking adbentyur ulit. Target ko ang Malaysia at Singapore, pero puwede rin siguro sa Bali or Brunei. Mukhang mahihirapan ata akong magpunta sa Myanmar.

• Makabili na ng kotse, kahit second hand lang. Hindi naman ako pihikan, puwede na sa akin yung Elantra, Familia or Esi. Haha. Sana magbayad na lahat ng taong may utang sa akin. Amen.

• Humanap ng scholarship, internship o kahit anong makabuluhang grant. Huwag sayangin ang nakamal na cultural capital.

• Itanim sa kukote ang katagang “Patience is a virtue.” May mga bagay na hindi dapat minamadali. Walang crash course sa pagkakamit ng masayang buhay. Una sa lahat, nakapa-loose ng konsepto ng kasiyahan.

• Maglaan ng mahabang panahon para sa pagbabasa. Marami ng naimbak na libro sa aparador. Inaagiw na at kelangan ng pagpapagin.

• Mag-aral ng web design, walang lang, para maiba lang. Puwede rin mag-enrol sa photography class, iyon eh kung makakabili ako ng DSLR bago matapos ang taon. Walang himala!

• Higit sa lahat, piliting sundin ang mga nabanggit na kahilingan.


>>>
by antibiotyx >>>





Antibiotyx
About Me
Tomorrow I was nothing. Yesterday I'll be.


now playing
K's Choice - Believe


LATEST POSTS
Banana Island
Malcapuya Beach
Maquinit Hot Spring
Coron Island Hopping Adventure (Part 1)
Pahayag ng mga Nagmamalasakit sa Sining Pilipino
Accustomed Othering
He's Barack Obama
Of Birth, Life and Death
Bat For Lashes
Tanghalan at Kaayusan

ARCHIVES
  • February 2007

  • March 2007

  • April 2007

  • May 2007

  • June 2007

  • July 2007

  • August 2007

  • September 2007

  • October 2007

  • November 2007

  • December 2007

  • January 2008

  • February 2008

  • March 2008

  • April 2008

  • May 2008

  • June 2008

  • July 2008

  • August 2008

  • September 2008

  • October 2008

  • November 2008

  • December 2008

  • January 2009

  • February 2009

  • March 2009

  • April 2009

  • May 2009

  • June 2009

  • July 2009

  • August 2009

  • October 2009

  • November 2009



  • PHOTOS


    Links
    agent k
    all herbal medicine
    ana morayta
    beng
    bjork volta music
    celebrity addresses
    clifford hackett
    daisy chained
    ice
    jayson
    jeeu
    jigzcorpuz
    kangel
    karl castro
    katmac
    kenneth guda
    lisa
    lukas lazaro
    maniel
    pet articles
    philippine art scene
    punk
    raquel liza
    reah
    roadtrippers on the go
    rory
    sarj
    suyin
    suyin360
    trivia 101
    vj rubio




    LEAVE A NOTE!


    TWITTER UPDATES
    follow me on Twitter



    CREDITS
    x x x x x